Wednesday, January 11, 2012

The Letter

Ang lakas ng mga katok sa pinto ng kwarto ko. Akala ko matagal na ang tulog ko. Pagmulat ko ng mata, maliwanag pa. Alas-kwatro pa lang pala ng hapon. Kahit na ayokong bumangon wala ako magawa dahil ayaw tumigil sa kakakabog sa pinto. Pagbukas ko ng pinto, si Anthony.
"Ano ba, pare? Gigibain mo ba pinto ko?" banas kong tanong sa kanya.
Dirediretsong pumasok sa loob at naupo sa gilid ng kama ko. "Sasauli ko lang jacket mo. Tsaka hubarin mo yang T-shirt na yan. Akin yan eh. 'Di mo na sinauli." sabi nya sabay hagis ng jacket sa akin.
"Problema mo?" tanong ko sa kanya. May kaunting inis kasi ang tono nya.
"Wala akong problema. Baka ikaw ang meron." sagot nya.
"Oo, ikaw ang problema ko. Ang sarap ng tulog ko ginising mo 'ko."
Tahimik lang syang nakaupo sa kama. Nakatingin sa sahig.
"Pare, ano'ng meron sa sahig? Kanina mo pa tinititgan yan ah. Ano ba kasi problema mo?"
Akmang magsasalita pero binawi. Parang tinatantya kung ano ang sasabihin.
"Nakita kita kanina... sa likod ng gym..." mabagal nyang sabi.
Kahit hindi na nya ituloy ang sasabihin, alam ko na. At wala na rin akong lusot. Ang mahabang panahon ko na pagtatago... mabubunyag din pala. Pero hindi ko inasahan na sa ganitong paraan.
"Kami ni Wesley?" nangangamba kong sagot sa kanya.
"Oo, kayo ni Wesley. Pare... kelan ka pa naging...ganyan?" sagot nya na may panghuhusga sa tono.
"Anong ganyan...?" wala nang atrasan. "...bakla?"
"So inaamin mo? Inaamin mo na bakla ka?" tumataas na ang tono nya. Sabay ding pagtayo nya.
"Oo. Bakla ako... bakla ako, Anthony."
"Pare, no way. No way na bakla ka."
"Yes. I am."
"So all this time pala... All this time pala, nagpapanggap ka lang. All this time pala, sa tinagal-tagal nating magkaibigan, 'di mo sinabi sa'kin na bakla ka!" malakas na ang boses nya.
"Para ano pang sabihin ko? For what? Will it make any difference kung sasabihin ko?"
"Yes it will, pare! I can't believe this... " sabay labas ng kwarto.
"Anthony, sandali..." pero hindi ko na sya nahabol.
I was supposed to be happy and relieved. Finally, nasabi ko na rin sa best friend ko na bakla ako. Na ito ang tunay kong pagkatao. But, I wasn't happy of relieved at all. Somehow, it felt like there was something wrong. Parang may nawala. It felt like something has broken and it can never be fixed.
I've known Anthony since first year high school and we've been the best of friends, kahit na totally different kami. He is a total jock. Popular. Member ng varsity team. Sikat sa girls. Kahit sa classes hindi papahuli. Matalino. May sense. Ako, hindi sikat sa school. Walang sports or school activity. School bahay lang. Uptight sabi nga nya. But despite the differences, we're good friends. We shared a lot of memories. He was there when my dad died. I was there when his mom passed away. We kept no secrets from each other, well, just two things i guess. My being gay and that i wish he was too so there could be a chance for us.

Kinuha ko ang ipod ko. Inilagay sa speakers. Hinanap ko sa playlist si Yiruma. Iyon ang pinapatugtog ko kapag gusto kong ma-relax.  'Di ko namalayan, nakatulog pala ako ulit. Nagisisng ako madilim na. Nagising ako dahil sa ring ng phone ko. Daddy ni Anthony.

"Hello, tito Ed?" bati ko.
"Hello, Jason..." garalgal ang boses nya. "... si Anthony..."
"Galing pa sya dito kanina... kaso medyo nagkasagutan po kami kaya umalis..."
"... ganon ba? Kaya pala."
"Bakit po? 'Di pa ba sya umuuwi?"
"Jason... wala na si Anthony. Your best friend is dead."

++++++++++++++++++++++++++++++
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Sunday. I never liked Sunday. Boring ang Sunday. Walang magawa 'pag Sunday.  Now, I hate it even more.

Pumasok ako ng kwarto ko na pagod na pagod. Mabigat ang katawan. Gusto ko lang mahiga sa kama at hndi na babangon kahit kailan. Iniisip ko si Anthony habang pinapasok sa nitso nya. Naawa ako sa kanya. Nasa madilim at masikip na lugar.  At 'yung huling araw na magkasama kami. Nag-away. Dahil nakita nya ako na kahalikan si Wesley. Nalaman nya na bakla ako. I still wonder if he was mad at me for being gay or because I never told him. Sabi ni tito Ed umuwi sya na galit at nagkulong sa kwarto. Lumabas nung madilim na. He went out tapos naglasing. Nagwala daw sa bar at may mga naka-away kaya nasksak. Dead on the spot. At large pa rin yung nakapatay sa kanya. But i doesn't matter anymore. kahit na mahuli sila hindi rin naman mababalik si Anthony. Sayang, hindi ko man lang nasabi na mahal ko sya.

Nasa bangko pa rin pala yung jacket na hiniram nya. Bumangon ako at kinuha ito. Inilapit ko sa mukha ko at inamoy. Nakakapit pa rin ang amoy niya sa jacket. Hindi pa nalabhan. Ganon naman yung taong yun, kapag naghiram ng damit ko isasauli ng hindi nilalabhan. Pinigilan kong umiyak. Ayoko ng umiyak. Sinuot ko ang jacket. Umaasang maramdaman ko si Anthony na kayakap ako. But it was just the jacket I felt. Sa mga pelikula, kapag sinuot ng bida ang damit ng namatay nilang minamahal, pag-tingin nila sa salamin parang nakikita nila na nakayakap an ito sa kanila. But in reality, It's just a jacket. Wala ang init ni Anthony.

Ipinasok ko ang mga kamay ko sa bulsa ng jacket. Naramdaman ko sa kamay ko ang isang papel sa loob. I pulled it out. It was a little paper probably torn out of a notebook, neatly folded in half. Baka kay Anthony. Binuksan ko ito at binasa:

"You can have any guy you want but you wouldn't choose me. Why not me? I have always loved you, Jason. I know we're not supposed to but I do. I love you, I love you, I love you. Love me back."

Parang guguho ang mundo ko. Parang mamamatay ako sa pagsisisi. Bakit hindi nya sinabi? Kaya ba sya galit dahil nagseselos sya? Bakit hindi ko sya pinakinggan. Bakit hindi ko naramdaman? Sana nakita ko yung letter ealier. Sana... sana...

Ang daming bakit. Ang daming sana. Mahal nya ako. Noon pa man. Ang daming nasayang na panahon. Ang daming lumipas na araw na sana masaya kaming magkasama. Bakit lahat ng iyon pinalampas ko? Sana pwedeng mabalik lahat. Sana bumalik ang oras. Sana may pagkakataon pa.

Pero wala na. Wala na si Anthony. Hindi na babalik ang oras. Hindi titigil ang pagtakbo nito. Pero sana kaya kong ibalik.

++++++++++++++++++++++++++++++
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

"Anthony!"
Napabangon ako. Panaginip lang pala. Isang masamang panaginip. Kinalma ko ang sarili ko. Madilim na pala. Nakatulog ako marahil sa kakaiyak. Kanina lang, inihatid namin si Anthony sa kanyang huling hantungan. Kanina lang, nalaman ko na mahal din pala nya ako. Kanina lang.
Hindi ko namalayan ang pag-ring ng phone ko. Si tito Ed.

"Hello, tito?"
"Jason. Nagising ba kita?" tanong ni tito Ed.
"Hindi naman po, tito."
"Kanina pa kasi ako tumatawag hindi mo sinasagot. Baka kako e tulog ka."
"N-naka silent po kasi." pagsisinungaling ko.
"Ganon ba?"
"Bakit po kayo tumatawag?"
"Matanong ko lang. May problema ba si Anthony? Umuwi kasi dito kanina at parang galit."
Hindi ko maintindihan. "Ano ho iyon, tito?"
"Nag-away ba kayo ni Anthony? May naka-away ba sya sa school?"
Anong pinagsasasabi ni tito Ed? Bakit nya hinahanap si Anthony? Wala na si Anthony. Patay na.
"Tito..."
"Nagkulong kanina sa kwarto. Tapos lumabas. 'Di ko alam kung saan pumunta."
"Tito Ed, ano po yung sinasabi nyo. Hindi ko po kayo maintindihan."
"Ah... 'di bale na lang. baka nagpunta lang sa mga barkada nya." pinutol nya ang tawag.
Hindi ko alam kung ano nagyayari kay tito Ed. Baka nagka-nervous breakdown dahil sa pagkawala ni Anthony.
Simula nang namatay si Anthony, ngayon pa lang ako nakaramdam ng totoong gutom. Bumaba ako papuntang kusina para kumain. Nasa kusina si mommy. Nagluluto ng hapunan.
"Jason. Ok ka lang?" tanong niya na may pagaalala.
"Ok lang po. Nagugutom." sagot ko. Kumuha ako ng tubig sa ref.
"Nag-away ba kayo ni Anthony?" tanong ni mommy?
"Ha?" gulat ko namang tanong.
"Narinig ko kasi kayo kanina na nagtatalo. Ano bang ping-awayan nyo?"
Ano? Hindi ko maintindihan. Bakit pati si mommy? Wala na si Anthony. Magkasama kami kanina ni mommy sa libing. Prank ba 'to?
Naguguluhan ako sa kanila. Nawala tuloy ang gutom ko. Umakyat ako muli sa karto ko. Kung biro man ito, hindi nakakatuwa. Napatingin ako sa salamin. Suot ko ang damit ni Anthony. Yung hiniram ko sa kanya. Lalo akong naguluhan. Hindi naman ito suot ko kanina. Nakatulog akong suot pa rin ang damit na sinuot ko sa libing. Hindi ko maalalang nagpalit ako. Humiga ulit ako sa kama. Ipinikit mga mata ko. Sumasakit ulo ko. Kukunin ko sana ang ipod ko para magpatugtog pero 'di ko napansin na tumutogtog na pala ito. Yiruma. I Don't remember playing it. I'm starting to freak out. Weird. Humiga ulit ako sa kama. Saka ko napansin yung jacket. Nasa bangko pa rin. Bakit andun? Nilagay ko na sa closet iyon. Mabilis akong bumangon. Kinuha ang jacket at hinanap sa bulsa yung sulat. nandoon pa rin. Maayos na nakatupi. At nung buksan ko, iyon pa rin ang nakasulat. Paulit-ulit kong binasa.

Inilagay ko sa bulsa ang sulat at patakbong kinuha ang phone ko. Tiningnan kung anong date. August 11. Wednesday. August 11. Wednesday. It was supposed to be Sunday. August 15. Then it hit me. August 11. Wednesday. Ito yung araw na namatay si Anthony. Ito yng araw na nag-away kami. Ito yung araw na nakita nya kami ni Wesley. Nag-time travel ako. Bumalik ako sa araw na nalaman ni Anthony ang tunay kong pagkatao. Hindi ko alam kung posibleng mangyari iyon pero, heto't nangyayari na nga. Pero isa lang ang nasa isip ko. Second chance. Second chance para sa amin.

I dialed tito Ed's number. Agad naman nyang sinagot.

"Tito Ed, andyan na po ba si Anthony?"
"Wala pa rin."
"I think I know where he is. Sige po tito, puntahan ko na lang po sya."
Kailangan ko syang mapuntahan. Nagmadali akong bumaba. Kinuha ang susi ng kotse at nag-drive papuntang Denny's.

Halos kalahating oras bago ako nakarating ng Denny's dahil sa traffic. Mabilis akong bumaba ng kotse. Pagpasok ko sa Denny's halos walang tao. Magulo ang buong paligid. Nagkalat ang mga basag basag na bote. Ang mga silya, kung sasan saan naka-higa. Huli na ba ako? Nilapitan ko ang isang waiter.

"Boss, ano'ng nagyari?" ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Away."
"May nag-away? Sino?" parang aatakihin ako sa puso.
"Hindi ko kilala. Mga dayo. Pero may nasaksak."
Nahuli pa rin ako. Hindi ko pa rin inabot si Anthony. Hindi ko pa rin nailigtas ang buhay nya.
Umiiyak akong lumabas ng bar. Pumasok sa kotse. Bakit ganito? Bakit hindi ko sya naabutan. Akala ko ba second chance? Wala akong nagawa para mailigtas sya.

May kumakatok sa bintana ng kotse. Pag-tinngin ko, si Anthony. Nakangiti sa akin. Dali-dali kong binuksan ang kotse at halos lumundag na yinakap ko sya ng mahigpit.

"Buhay ka. Buhay ka. Akala ko... buhay ka."
Nakayakap din sya sa akin ng mahigpit. "Of course I'm alive. Nakita kitang pumasok sa bar kanina. Hinahanap mo ba ako?" Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. Dinukot sa bulsa yung sulat nya at iniabot sa kanya.
"Nabasa mo?"
"Oo."
"Sorry."
"No. Don't be. Kaya ka ba..."
"Oo. Kaya ako nagalit kanina. Nung makita ko kayo ni Wesley..."
"Wala kaming relasyon ni Wesley... o kahit kaninong lalake. Ikaw... ikaw lang naman ang gusto ko. Ikaw lang naman ang mahal ko."
Hinalikan nya ako sa labi. Parang lumulutang ako dahil sa halik nya. Parang bibigay ang mga tuhod ko.
"I love you, Jason. Noon pa man. At kahit kailan."

++++++++++++++++++++++++++++++
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Nakatitig lang ako sa mga mata nya. We were lying on our sides. Tanging kumot lang ang nakabalot sa katawan namin.
"Ano ba yang pinapatugtog mo?" tanong nya.
"Bakit ayaw mo?"
"I love it."
"Si Yiruma."
"Pwede mo ba ako gawan ng copy?"
"Sige. Bukas." pareho kaming natahimik. Pinakinggan ang bawat pitik ng piano.
"Anon'ng iniisip mo?" tanong nya.
"Natatakot akong matulog."
"Why?"
"I'm afraid that you might not be here when I wake-up."
"I will never go away. I will always be here."
"You promise?"
"Pangako ko." At muli nya akong niyakap ng mahigpit. At hindi sya bumitaw hangganga nakatulog ako.

++++++++++++++++++++++++++++++
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Paggising ko, suot ko pa rin ang damit na sinuot ko sa libing. Panaginip. Panaginip lang pala. Panaginip na parang totoo. Bumangon ako na may bigat sa dibdib. Tumitig ako sa labas ng bintana. Maganda ang panahon. Maganda ang sikat ng araw. Maaliwalas. Parang ang saya ng mundo. Walang probelma. Walang hinanakit. Napalingon ako sa bangko. Andun ang jacket. Hindi ko na inisip kung paano napunta iyon dun. Bumangon ako at kinuha ito. Kinapa ang bulsa kung may laman. Isang papel ang nakuha ko sa loob. Nakatuping maayos. Binuklat ko ito. Sulat ni Anthony.

"Mahal ko,
       What happened last night was not a dream. It was a borrowed time. It was a chance for us to show how much we love each other. But as I've said, it was a borrowed time. I know I promised you that I will never go away. I'm sorry. Maybe this is not the right time for us. Maybe in another lifetime we may find a way to be together. But right now, I have to be somewhere else. But believe me, no matter where I am, I will be happy knowing that you love me too. Don't be sad, Jason. You are not alone. You have your mom. And my dad. Please tell him how much I love him. And please look after him, mahal. He's alone now.
        Forgive me for leaving you. I wish we had more time. I wish I can still hold you and kiss you.
        I love you. I love you. I love you. I love you. I love you.

Forever,
Anthony

++++++++++++++++++++++++++++++
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Pumasok na ako. Gaya nang madalas kong gawin tuwing pupunta ako kina Anthony. Sinalubong ako ni Tito Ed ng isang mahigpit na yakap. Ilang linggo din akong hindi nagpupunta sa kanila.

"Kamusta ka na, Jason?" tanong nya sakin. Tumanda ang hitsura niya at parang nalaglag ang katawan.
"Mabuti po. Kayo po kamusta na?"
"Heto. Ok naman. Medyo nagtatampo sa 'yo."
"Pasensya na po kung natagalan bago ako naka-dalaw."
"Naiintindihan ko naman, hijo."
"Syanga po pala. Bibigay ko po 'to sa inyo." iniabot ko sa kanya ang cd.
"Ano ba 'to?"
"Kopya po nung songs na pina-download sa akin ni Anthony. Medyo huli na pero...' pinipigilan kong umiyak.
"Salamat, hijo." natahimik kaming pareho. Naghihintay kung sino ang unang magsasalita.
"Napanaginipan ko ho sya." sabi ko.
"Syanga?"
"Pinapasabi po nya na mahal na mahal po nya kayo. At 'wag na daw po kayong malungkot. Masaya daw po sya."
Tahimik lang si tito Ed.
"Alam mo bang mahal na mahal ka ni Anthony?" tanong nya sa akin.
"Ho?" nagulat ako sa sinabi nya.
"Oo. Sinabi nya sa akin noon na mahal ka niya. Kaso natatakot syang ipagtapat sa 'yo baka masira ang pagkakaibigan nyo."
"Opo. Sinabi po nya sa akin."
"Talaga? Kailan?" may kislap sa mga mata niya pero malamlam ang ngiti.
"Sa panaginip po." sagot ko. Lumawak ang ngiti nito sa mukha pero sabay din ng pag-agos ng luha nya.
"Mahal mo ba si Anthony?"
Hindi ko na napigilang umiyak. "Mahal na mahal po. Mahal na mahal ko po siya."
Inakbayan nya ako. "Salamat, hijo. Maraming salamat."

+++end+++

1 comment:

  1. You are a master lovejuice. Idol kita! This story made me chill. It also made cry. Sobra! This is a perfect epitome of the saying: "You'll only realize how much someone is worth if you lose them." Salamat sa isang napakagandang istorya. More power to you.

    P.S. Sana may kasunod pa yung The McFadden Brothers saka yung Sa Piling ng Pamilya ni Misis. Ang tagal kong inaabangan ang kasunod nun. Sa BOL at sa PinoyMenStories.

    Salamat po Ulit!

    ReplyDelete